Sunday, July 25, 2010

--- nung ikaw ay bata...nagawa mo ba 'to?

- kumakain ka ba ng aratilis?
- nagpipitpit ng gumamela para gawing bubbles na hihipan mo sa binilog na tangkay ng walis tingting?
- pinipilit ka ba matulog ng nanay mo ng hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka nakatulog?

- marunong ka magpatintero, saksak puso, langit lupa, teleber teleber, luksong tinik?

- malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

- alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, b, a, b, a, select, start?

- may mga damit ka na U.S.E.D., boy london, cross colors, esprit, blowing bubbles at pag nakakakita ka ng bench na damit eh naaalala mo si richard gomez?

- addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

- nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang dilaw na panty nya?

- marunong ka magwordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

- inaabangan mo lagi ang batibot at kala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?

- gumagamit ka ng aquanet para pataasin ang bangs mo?

- meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

- nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma ng slumbook mo para lang malaman mo kung sino crush ng type mo?

- kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging?

- alam mo ang ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?

- idol mo si mcgyver at nanonood ka ng perfect strangers?

- eto malupet...six digits! lang ba ang phone number nyo dati?

- nakakatawag ka pa sa pay phone ng tatlong bentesingko lang ang dala?

- cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na 'eh kasi bata'?

- inabutan mo ba ang magnolia chocolait na nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

- meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

- noon mo pa hinahanap kung saan ang goya fun factory?

- alam mo ang lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?

- alam mo ang kantang "gloria labandera".. . lumusong sya sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3 asawa ni marie"...hehehehehe ?

- sosyal ka pag may play doh ka at lego...at nag-iipon ka ng g.i. joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?

- inabutan mo pa yun singko na korteng bulaklak at yung diyes na square?

- lumaki kang bobski dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong. ..diba naninipit yun?

- alam mo yun kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty...and syempre, alam mo rin ba kung ano binigay niya sa nanay nung umakyat ng puno?

- meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon...aminin?

- laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinagpapawisan ka?

- bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum...tira-tira, at yun kending bilog na sinawsaw sa asukal?

- kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa betamax format pa...at sanay kang tawagin ang porn as bold?

- takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nila magugunaw daw ang mundo?

kung alam mo lahat dito lagpas ka na ng 25 years old...kapag halos lahat alam mo, nasa 23-25 ka...wag ka na magdeny...tumawa ka nalang...diba 75 centavos pa lang pamasahe sa jeep nun at mas masarap ang mellow yellow kesa sa mountain dew?

this was posted in Kababata ba kita? by winfaa